Miyerkules, Setyembre 21, 2011

ANG ATING LIPUNAN

      Ano na nga ba ang kalagayan ng ating lipunan ngayon?Katanungan na sa ating mga sarili mismo ay kayang masagot.Batid nating lahat ang mga suluraning kinakaharap ng ating bansa,isa na nga dito ang kalagayan ng ating mga kabataan ngayon.Alam natin na sa kasalukuyang panahon ang mga kabataan ay lagi ng nasa aliwan,makikita sa ibat-ibang pasyalan at kasiyahan, nag-iinuman at halos magdamag na sa lansangan na nagiging dahilan ng pagkasira ng kanilang buhay. Marami  narin sa kanila ang nagiging mga magulang sa murang edad pa lamang.Minsan  na itanong ko sa aking sarili kung paano ang kanilang buhay at ang buhay ng kanilang sanggol na iluluwal dito sa mundo? Paano ang kanilang kinabukasan?Paano ang kanilang mga pangarap sa buhay?Alam nating di madaling maging  isang magulang lalong-lalo na kung nasa murang edad pa lamang.Ibat-iba ang   ginagampanan ng isang magulang,lalo na sa masalimuot na lipunang ating ginagalawan. Masasabi pa ba nating nasa kabataan ang pag-asa ng ating bayan kung sa kasalukuyan ay sila pa ang unti-unting sumisira nito.Mga ginigiliw kong mambabasa, huwag tayong magbingibingian at magbulagbulagan, huwag tayong maging makasarili bagkus ay magtulungan tayong tulungan ang ating mga kabataang nagiging mapusok sa ating lipunan ngayon. Makaisipin nating lahat na sila'y bahagi parin ng ating lipunan na nangangailangan ng mapang unawang damdamin,sapat na gabay,at pagmamahal na minsa'y pinagkakait  natin sa kanila.Ikaw,ako tayong lahat ay bahagi ng lipunan kaya't marapat lamang na gawin natin ang ating makakaya at huwag tayong maging hipong tulog na lamang.

1 komento: